^

Bansa

10% ng mga bilanggo sa bansa, pawang mga bata

-
Umaabot na sa 20,000 o sampung porsiyento ng kabuuang bilang ng mga bilanggo sa bansa ay mga bata na wala pang 18 taong gulang.

Limampung porsiyento din umano ng mga bilanggo sa bansa ay nagsimula bilang mga young offenders.

Ayon kay Rep. Edmundo Reyes, ng Marinduque, dapat na mabigyan ng proteksyon ng Kongreso ang mga batang bilanggo dahil dito sa Pilipinas, ang isang siyam na taong gulang na bata ay maaaring litisin na katulad ng isang matandang akusado.

Ayon pa sa pag-aaral ng United Nations Children’s Emergency Fund (UNICEF), ang karahasan sa tahanan, child abuse, impluwensiya ng alkohol at droga ang mga major factors na nagtutulak sa mga kabataan upang gumawa ng krimen.

Kaugnay nito, ipinasa na ng House Committee on Justice ang tatlong panukalang batas na magbubuo ng comprehensive juvenile system sa bansa.

Nakapaloob sa tatlong panukala ang paghihiwalay sa mga batang bilanggo sa mga adult offenders at ang pagsasailalim sa mga ito sa rehabilitasyon.

Idinagdag pa ni Reyes na iba ang dapat gawing pagtrato sa mga bata at sa mga matatandang akusado. (Ulat ni Malou Rongalerios-Escudero)

AYON

EDMUNDO REYES

EMERGENCY FUND

HOUSE COMMITTEE

IDINAGDAG

KAUGNAY

KONGRESO

MALOU RONGALERIOS-ESCUDERO

UNITED NATIONS CHILDREN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with