SAF ng PNP guwardiya lang sa Kongreso
December 26, 2001 | 12:00am
Labis na pinanghihinayangan ng ilang miyembro ng Special Action Force (SAF) ng PNP ang kanilang kaalaman sa trabaho at pinagdaanang matinding schooling dahil hindi nila ito napapakinabangan matapos silang gawing tanod lamang sa House of Representatives.
Napag-alaman na lahat ng miyembro ng PNP na nakatalagang magbantay sa mga gusali ng House ay kabilang sa SAF na itinuturing na elite force ng PNP. Ang SAF ang tinatawag na "sundalo" ng PNP dahil sa mas mahirap ang pinagdaanang training ng mga ito kumpara sa mga ordinaryong pulis.
Kaya ganun na lamang ang ipinagtataka nila kung bakit sila ang itinalagang magbantay sa Batasan complex kapalit ng mga Marines gayong mas mapapakinabangan sa laban ang kanilang nalalaman.
"Mga bata pa kami, nilulumot lang dito yong pinag-aralan namin. Dapat yong mga matatandang pulis na lamang ang gawing guwardiya dito," himutok ng isang SAF na tumangging magpakilala.
Sa ngayon ay nasa 80 miyembro ng SAF ang nagbabantay sa Batasan bukod pa sa mga guwardiyang sadyang nagbabantay dito na kasapi sa Legislative Security Bureau (LSB) na halos lampas sa 100 ang bilang.
Kinumpirma naman ng isang source na simula sa Enero 7 ng susunod na taon ay magtatalaga na rin ng SAF sa Senado upang magbantay naman sa mga senador. (Ulat ni Malou Rongalerios-Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended