^

Bansa

Public utility law, inihain sa Kongreso

-
Upang masiguro na magkakaroon kaagad ng kabayaran ang sinumang tao na magiging biktima ng aksidente, mula sa isang gusali o sasakyan, ipinanukala ni Cebu Rep. Nerissa Soon-Ruiz ang pagkakaroon ng batas ukol dito.

Sa House Bill No. 4088 o ‘Public Liability Insurance Act of 2001’ na inihain ni Ruiz, sinabi nito na kalimitang sinisisi ng mga may-ari ng establisimiyento ang Diyos tuwing magkakaroon ng sakuna upang makaiwas sa responsibilidad.

Kabilang sa mga inihalimbawa ni Ruiz sa kanyang panukala ang Manor Hotel disaster sa Quezon City; Cherry Hills Subdivision disaster sa Antipolo; ang pag-collapse ng Villa San Pedro sa Cebu City; ang paglubog ng MV Princess of the Orient, MV Doña Paz, MV Doña Marilyn; ang pagbagsak ng Pacific Airlines flight 357 at Air Philippines sa Samal Island at ang pagkasunog ng Ozone Disco.

Kalimitan umano, mas madaling naaayos o nababayaran ng isang kompanya kung isa o dalawang tao lamang ang nasasangkot sa sakuna, subalit kung maramihan na, ito ay kalimitang tinatakbuhan.

Ipinanukala ni Ruiz na dapat atasan ng gobyerno ang lahat ng mga may-ari at operators ng mga business establishments, public utilities and services, buildings at machinery na magkaroon ng mandatory public liability insurance upang magbayad sa mga damages o sakuna sa kanilang operasyon.

Sasagutin ng insurance policy ang pagkamatay o pagkasugat ng isang biktima at kailangang hindi bumaba sa P50,000 ang matatanggap nito.

Ang liability insurance coverage naman ng isang property ay ibabatay sa idineklarang insurable interest ng may-ari subalit hindi kailangang lumampas sa totoong halaga ng property. (Ulat ni Malou Rongalerios-Escudero)

AIR PHILIPPINES

CEBU CITY

CEBU REP

CHERRY HILLS SUBDIVISION

MALOU RONGALERIOS-ESCUDERO

MANOR HOTEL

NERISSA SOON-RUIZ

OZONE DISCO

PACIFIC AIRLINES

RUIZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with