^

Bansa

GMA sinungaling - Sen. Recto

-
Bumaligtad na si administration Senator Ralph Recto makaraang kalabanin si Pangulong Arroyo matapos nitong akusahang isa umanong sinungaling ang huli at mistulang sirang plaka na at lumang tugtugin ang iniulat nito sa bayan na umangat ang ekonomiya ng bansa kumpara sa nakalipas na taon.

Sa ibinigay na pahayag ni Senator Recto sa isang press statement sa Senado, hindi anya dapat magyabang ang pamahalaang Arroyo sa unti-unting pagyabong ng ekonomiya dahil mas lalo pang naging malala ang sitwasyon.

Kasinungalingan umano ang pahayag ng Pangulo dahil patuloy pa ring dumaranas ng matinding krisis ang buong daigdig matapos ang September 11 terrorist attack sa Estados Unidos na nagpabagsak sa ekonomiya.

Pinayuhan ni Recto ang pamahalaang Arroyo na magpatupad ng mga bagong reporma sa sistema ng ekonomiya upang makita ang tunay na pagsulong ng kabuhayan sa bansa.

Makaraan ang humigit-kumulang sampung buwang panunungkulan, nananatiling problemang nasilip ng oposisyon kay Pangulong Arroyo ang isyu ng basura, trapiko at seguridad ng mamamayan.

Bagamat pinapurihan ni Sen. Blas Ople ang ilang economic achievements ni Arroyo, hindi itinago ng mambabatas ang malaking pagkadismaya sa liderato, partikular dahil sa lumalalang problema sa basura.

Ayon kay Ople, dapat pagtuunan ng pansin ng Pangulo sa pagpasok ng 2002 ang usapin sa edukasyon, kalusugan, pabahay, food security at public transport.

Sinabi naman ni Sen. Edgardo Angara na malabong matamo ang minimithing paglago pa ng ekonomiya sa taong 2002 bunga ng maling prayoridad sa pambansang pondo na itinuring niyang anti-poor budget.

Sinabi rin ni Angara na hindi sagot sa krisis ang mga numero at projections ng mga economic manager ng pamahalaan. (Ulat ni Rudy Andal)

vuukle comment

ANGARA

BLAS OPLE

EDGARDO ANGARA

ESTADOS UNIDOS

PANGULO

PANGULONG ARROYO

RUDY ANDAL

SENATOR RALPH RECTO

SENATOR RECTO

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with