Ito ang inihayag kahapon ni Vice President at Foreign Affairs Secretary Teofisto Guingona, Jr. Inatasan na nito si RP Ambassador to Pakistan Jorge Arizabal na pumunta ng Afghanistan upang suriin kung anong mga proyekto ang naangkop at nararapat na maaaring maging gawin at kontribusyon ng mga ipadadalang mga Pilipino doon.
Nilinaw ng Kalihim na hindi magpapadala ng "peace keeping troops" ang pamahalaan sa Afghanistan gaya ng pagpadala sa mga bansang East Timor at Kosovo. Ang pagtulong umano ng pamahalaan sa rehabilitasyon ng Afghanistan ay kontribusyon ng Pilipinas bilang isa sa mga bansang kasapi ng United Nations na nangakong tumulong sa pakikipagdigma laban sa terorismo at sa pagpapanumbalik ng kapayapaan sa Afghanistan. Sinabi ni Guingona sa posible na ring magtayo ng Embahada ng Pilipinas sa Afghanistan. (Ulat ni Rose Tamayo)