^

Bansa

Pinoy workers ipadadala sa Afghanistan

-
Matapos na madurog ng pinagsanib na puwersa ng Amerika at Afghan fighters ang huling balwarte ng al-Qaeda organization sa Afganhistan, bilang partisipasyon ng Pilipinas sa rehablitasyon ng nasabing "wartorn Muslim country" ay magpapadala ang pamahalaan ng mga Filipino engineers, workers at mga contructors pagkatapos ng holiday season.

Ito ang inihayag kahapon ni Vice President at Foreign Affairs Secretary Teofisto Guingona, Jr. Inatasan na nito si RP Ambassador to Pakistan Jorge Arizabal na pumunta ng Afghanistan upang suriin kung anong mga proyekto ang naangkop at nararapat na maaaring maging gawin at kontribusyon ng mga ipadadalang mga Pilipino doon.

Nilinaw ng Kalihim na hindi magpapadala ng "peace keeping troops" ang pamahalaan sa Afghanistan gaya ng pagpadala sa mga bansang East Timor at Kosovo. Ang pagtulong umano ng pamahalaan sa rehabilitasyon ng Afghanistan ay kontribusyon ng Pilipinas bilang isa sa mga bansang kasapi ng United Nations na nangakong tumulong sa pakikipagdigma laban sa terorismo at sa pagpapanumbalik ng kapayapaan sa Afghanistan. Sinabi ni Guingona sa posible na ring magtayo ng Embahada ng Pilipinas sa Afghanistan. (Ulat ni Rose Tamayo)

AFGANHISTAN

AMERIKA

EAST TIMOR

FOREIGN AFFAIRS SECRETARY TEOFISTO GUINGONA

JR. INATASAN

PAKISTAN JORGE ARIZABAL

PILIPINAS

ROSE TAMAYO

UNITED NATIONS

VICE PRESIDENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with