Drug test results puwede sa renewal ng lisensiya
December 24, 2001 | 12:00am
Niliwanag kahapon ng Land Transportation Office (LTO) drug test committee na tatanggapin ng alinmang licensing division ng ahensiya ang drug test result ng mga motorista hanggang 15 araw, oras na ito ay mag-renew ng kanilang lisensiya.
Sinabi ni Atty. Percival Cendana, chief LTO legal division at drug test committee chairman, ang paglilinaw ay kanyang ginawa dahil na rin sa mga report na ilang LTO offices ay hindi tumatanggap ng drug test result ng mga motorista na isinasagawa ng advance kaysa sa itinakdang renewal date ng kanilang lisensiya.
Binigyang diin ni Cendana, ang isang drug test result ay maaaring magamit at mai-submit sa alinmang LTO offices nationwide bilang requirement sa renewal ng lisensya sa loob ng 15 araw.
"15 days ang ibinigay ng Dangerous Drug Board (DDB) sa mga motorista para makapag-prepare sa kanilang drug test kaya kung may motorista na sumasailalim na agad sa drug test bago ang takdang renewal ng lisensya nito, tatanggapin pa rin ito ng LTO dahil halos may dalawang linggo ito bago ma-expire." pahayag ni Cendana.
Niliwanag din nito na kung sa Central Office ng LTO sa QC nakakuha ng drug test ang isang motorista at sa probinsya naman siya magre-renew ng lisensya ay maaari pa rin itong tanggapin ng alinmang licensing office ng ahensya hanggat hindi pa nag-expire ang 15 araw na itinakda para dito ng DDB.
Iniulat din ng naturang komite na bunsod ng implementasyon ng drug test nationwide, ilang motorista na ang nairekomendang isailalim sa rehabilitasyon at may mahigit 60 katao naman kada linggo ang hindi mabibigyan ng lisensya nationwide matapos na mag-positive sa drug test.
Umani naman ng suporta ang hakbang sa hanay ng malalaking transport groups tulad ng Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP) at Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) dahil naubusan ng programa ang pagkakaroon ng mga adik na driver na sinasabing ito ang isang sanhi ng mga aksidente sa mga lansangan. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended