^

Bansa

50 sentimong rollback isinumite ng jeepney transport group

-
Isinumite kamakalawa ng jeepney transport group ang singkwenta sentimong fare rollback sa land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Ito ang ikalawang pagsusumite ng petisyon ng Philippine Confederation of Drivers Organization-Alliance of Concerned Transport Operators (PODO-ACTO) makaraang ibasura ng LTFRB ang una nitong pitisyon noong Nobyembre dahil sa teknikalidad.

Nabatid sa naunang petisyon ang kahilingan na ibaba ng may P.50 tungo sa P4 minimum fare. Ibinasura ito ng ahensya dahil sa ang umiiral na pasahe ay P4 kaya di na kailangan pang ibaba ito.

Sinabi ni Efren de Luna na pangulo ng PODO-ACTO na nirebisa na nila ang kanilang pitisyon upang wala nang maging palusot ang LTFRB. Nagsumite rin umano sila ng pitisyon upang humiling na ibaba ng hanggang 15 porsyento ang lahat ng presyo ng mga pangunahing bilihin alinsunod sa naganap na pagbaba ng presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Natakdang makipagpulong naman si Consumers and Oil Price watch (COPW) Chairman Raul Concepcion sa mga oil companies at sa Department of Trade and Industries. Ito ay upang mabatid kung magkakaroon ng chain reaction sa presyo ng bilihin bunga nang pagbaba ng presyo ng langis. (Ulat ni Danilo Garcia)

CHAIRMAN RAUL CONCEPCION

CONSUMERS AND OIL PRICE

DANILO GARCIA

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRIES

DRIVERS ORGANIZATION-ALLIANCE OF CONCERNED TRANSPORT OPERATORS

EFREN

IBINASURA

ISINUMITE

TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with