^

Bansa

New Year's Resolution ng Pangulo: 'Hindi na ako magtataray ' - GMA

-
Simula sa susunod na taon, pangako ni Pangulong Arroyo na magiging pasensiyosa na siya at hindi na masyadong magiging mataray.

Ito ang New Year’s resolution ng Presidente na inihayag niya sa kanyang lingguhang palatuntunang "May Gloria ang Bukas Mo."

"Kasi maraming nagsasabi na ang taray-taray ko raw. Kaya ang resolusyon ko sa bagong taon ay maging less mataray," pangako ng Pangulo.

Ang pagiging mataray ng Pangulo ay ilang ulit na niyang ipinakita hindi lamang sa pulong ng Gabinete kundi maging sa press conference nito kung mayroon siyang hindi nagugustuhang tanong ng mga mamamahayag.

Isang halimbawa nito ay ang isyu ng bigas na nadiskubreng matagal nang nakaimbak sa isang pribadong bodega sa Batangas City.

Nang magtanong ang reporter na ito hinggil sa kung totoo na may iregularidad sa naganap na pag-iimbak ng bigas base sa pahayag ni NFA Administrator Anthony Abad ay biglang nagtaray ang Pangulo at agad tinawagan sa cellphone si Abad at kinastigo dahil wala naman daw siyang binabanggit na iregularidad.

Gayunman, hangad ng Pangulo ang isang maligayang pasko at mapayapa at maunlad na Bagong Taon para sa lahat ng Pilipino. (Ulat ni Lilia Tolentino)

vuukle comment

ABAD

ADMINISTRATOR ANTHONY ABAD

BAGONG TAON

BATANGAS CITY

BUKAS MO

LILIA TOLENTINO

MAY GLORIA

NEW YEAR

PANGULO

PANGULONG ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with