Dela Paz huling kausap ni Nida
December 21, 2001 | 12:00am
Lalo pang tumindi ang paniwala ng National Bureau of Investigation (NBI) na may kinalaman si Elena dela Paz, personal secretary ng pinaslang na si Nida Blanca sa pagkakapatay sa aktres matapos na lumitaw na siya ang may pinakamaraming tawag at huling kausap ng biktima sa telepono bago ito natagpuang tadtad ng saksak sa Atlanta Centre sa San Juan, Metro Manila kamakailan.
Nabatid kay Atty. Ric Diaz, tagapagsalita sa Nida Blanca case at hepe ng NBI Interpol na hawak na ng NBI ang kumpletong listahan na nakapaloob ang numero ng telepono na tumawag sa aktres at oras kung kailan tumawag at dito nadiskubre na si dela Paz ang may pinakamaraming tawag.
"The time of call was crucial to the investigation and the record of the telephone company is a solid evidence that will help investigators put up several pieces of puzzle," sabi ni Atty. Diaz.
Sa masusing pagsasaliksik ng NBI, lumalabas na karamihan sa mga tawag na natanggap ng aktres bago ito patayin ay sa loob ng kanyang opisina sa MTRCB na nagmula kay dela Paz.
Ayon kay Diaz, nakatakda sanang dumalo sa misa ang aktres dakong alas-7 ng gabi noong Nobyembre 6 sa Sanctuario de San Antonio sa Forbes, Makati City para dumalo sa ika-siyam na araw ng pagkamatay ng kanyang malapit na kaibigan na si Bong Erana, kasama ang iba pang kaibigan subalit nagbago ang isip nito at kinansela ang lakad dahil sa naging tawag ni dela Paz.
Idinagdag pa ni Diaz na dapat umanong maipaliwanag nang husto ni dela Paz kung ano ang kanilang mga pinag-usapan ng aktres at nagawa nitong mapagbago ang isip ni Nida na dapat sanay may ibang lakad noong Nobyembre 6.
Nakatakdang ring ipatawag ngayong hapon ang mga kilalang artista na malalapit kay Nida, kabilang sina Gina Pareño, Caridad Sanchez, Annabelle Rama at Nova Villa para hingian ng salaysay na maaaring makatulong sa paglutas sa kaso.
Hindi rin paliligtasin ang mga opisyal ng MTRCB na nakasama ni Nida sa panonood at pagre-review ng mga sinasalang na pelikula at iba pang malalapit na kaibigan nito.
Nilinaw naman ni Diaz na sakaling hindi pumayag ang mga artistang nabanggit na tumungo sa NBI ay ang mga ahente ang tutungo sa kani-kanilang tahanan para doon sila kunan ng salaysay.
At kung hindi pa rin umano sila puwede sa kani-kanilang mga bahay, kahit sa shooting ay pupuntahan sila ng mga NBI agent.
Pagbabasehan rin sa mga salaysay ng mga artista kung sila ay dapat ring isalang sa polygraph o lie detector test.(Ulat ni Ellen Fernando)
Nabatid kay Atty. Ric Diaz, tagapagsalita sa Nida Blanca case at hepe ng NBI Interpol na hawak na ng NBI ang kumpletong listahan na nakapaloob ang numero ng telepono na tumawag sa aktres at oras kung kailan tumawag at dito nadiskubre na si dela Paz ang may pinakamaraming tawag.
"The time of call was crucial to the investigation and the record of the telephone company is a solid evidence that will help investigators put up several pieces of puzzle," sabi ni Atty. Diaz.
Sa masusing pagsasaliksik ng NBI, lumalabas na karamihan sa mga tawag na natanggap ng aktres bago ito patayin ay sa loob ng kanyang opisina sa MTRCB na nagmula kay dela Paz.
Ayon kay Diaz, nakatakda sanang dumalo sa misa ang aktres dakong alas-7 ng gabi noong Nobyembre 6 sa Sanctuario de San Antonio sa Forbes, Makati City para dumalo sa ika-siyam na araw ng pagkamatay ng kanyang malapit na kaibigan na si Bong Erana, kasama ang iba pang kaibigan subalit nagbago ang isip nito at kinansela ang lakad dahil sa naging tawag ni dela Paz.
Idinagdag pa ni Diaz na dapat umanong maipaliwanag nang husto ni dela Paz kung ano ang kanilang mga pinag-usapan ng aktres at nagawa nitong mapagbago ang isip ni Nida na dapat sanay may ibang lakad noong Nobyembre 6.
Hindi rin paliligtasin ang mga opisyal ng MTRCB na nakasama ni Nida sa panonood at pagre-review ng mga sinasalang na pelikula at iba pang malalapit na kaibigan nito.
Nilinaw naman ni Diaz na sakaling hindi pumayag ang mga artistang nabanggit na tumungo sa NBI ay ang mga ahente ang tutungo sa kani-kanilang tahanan para doon sila kunan ng salaysay.
At kung hindi pa rin umano sila puwede sa kani-kanilang mga bahay, kahit sa shooting ay pupuntahan sila ng mga NBI agent.
Pagbabasehan rin sa mga salaysay ng mga artista kung sila ay dapat ring isalang sa polygraph o lie detector test.(Ulat ni Ellen Fernando)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Gemma Garcia | 3 hours ago
By Doris Franche-Borja | 3 hours ago
By Ludy Bermudo | 3 hours ago
Recommended