Hula ni Rene Mariano: Erap, Jinggoy mabibitay; 2 senador mamamatay
December 21, 2001 | 12:00am
Mahahatulan ng parusang kamatayan sina dating Pangulong Estrada at anak na si dating San Juan Mayor Jinggoy Estrada sa kasong plunder, dalawa sa mga senador ang mamamatay bago matapos ang taong 2002, isang arsobispo ang mamamatay sa loob ng susunod na dalawang taon at malulutas ang kasong pagpatay sa aktres na si Nida Blanca.
Ilan lamang ito sa mga inihayag na prediksiyon kahapon ni psychic Rene Mariano sa pagpasok ng taong 2002, Year of the Horse.
Sinabi ni Mariano, nababasa niya na mako-convict ang mag-amang Estrada sa kinakaharap na kasong plunder. Kung matatandaan, minsan na rin nitong hinulaan na hindi matatapos ni Estrada ang kanyang termino bilang Pangulo ng bansa at ito ay nagkatotoo dahil makalipas lamang ang dalawang taon ay napatalsik ito sa Malacañang.
Hinulaan rin ni Mariano na dalawa umano sa mga senador ang mamamatay bago matapos ang 2002, isa rito ay sanhi ng natural death habang mamamatay sa ambush ng kalabang grupo ang isa.
Malulutas rin umano ang kaso ng pagpatay sa aktres na si Nida Blanca at mahuhuli ang salarin sa pagpasok ng buwan ng Enero.
Ani Mariano, limang suspek ang madadakip ng National Bureau of Investigation (NBI) at dalawa dito ang siyang tunay na salarin.
Idinagdag pa ni Mariano na sa pagpasok ng 2002 ay maihahalintulad ang Metro Manila sa lugar ng Calcutta sa India dahil bubulusok ang kahirapan sanhi ng pagtaas ng bilang ng street children at unemployment.
Bukod sa kahirapan ay tataas rin ang krimen sa bansa kung saan pawang mga kabataan o yaong mga galing sa youth sector ang masasangkot.
Dadami rin ang grupo ng relihiyon na magkakaroon ng kanya-kanyang pananampalataya.
Hind rin umano magiging maganda ang lagay ng kalusugan ng isang arsobispo at mamamatay ito bago matapos ang taong 2002.
Sa kabilang dako, magiging maganda ang samahan ng Mataas at Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Hindi rin anya magtatagumpay ang grupo na nagnanais na patalsikin si Pangulong Arroyo subalit hindi rin naman ito mananalo pa sa eleksiyon sakaling tumakbo muli bilang pangulo ng bansa.
Magkakaroon rin ng malaking kontrobersiya sa Bangko Sentral ng Pilipinas at sangkot rito ang isang mataas na opisyal.
Tataas rin ang bilang ng mga taong magsu-suicide at babagsak ang pagpapahalaga ng mga tao sa edukasyon at moral.
Gayunman, inamin ni Mariano na ang kanyang mga sinabi ay pawang mga hula lamang at bahala na umano ang mga tao kung maniniwala sila.(Ulat ni Grace Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Gemma Garcia | 9 hours ago
By Doris Franche-Borja | 9 hours ago
By Ludy Bermudo | 9 hours ago
Recommended