Justice Demetria sinibak na ng SC
December 20, 2001 | 12:00am
Magmimistulang todos los santos ang Kapaskuhan ni Court of Appeals (CA) Associate Justice Demetrio Demetria matapos na tuluyan itong sibakin sa puwesto ng Supreme Court (SC) bilang mahistrado.
Mula sa ipinalabas na resolusyon ng Korte Suprema, ibinasura ang motion for reconsideration ni Demetria na humihiling na ibalik siya sa puwesto at balewalain ang nauna nitong desisyon.
Magugunita na nagdesisyon ang Korte Suprema noong Marso 2001 kung saan ay inaalis sa puwesto si Demetria dahil sa naglabasang ulat na pumapadrino ito sa tinaguriang shabu queen na si Yu Yuk Lai.
Lumabas sa imbestigasyon ng Office of the Court Administrator (OCA) ng SC na nagtungo si Demetria kasama si Philippine Amateur Athletic Federation (PATAFA) president Go Teng Kok sa tanggapan ni Department of Justice State Prosecutor Pablo Formaran.
Lumabas sa imbestigasyon na nakialam sina Demetria at Go sa drug pushing case ni Yu sa sala ni Manila Regional Trial Court Judge Manuel Muro. Si Formaran ang piskal na may hawak sa kaso ng naturang shabu queen.
Ito naman ang naging dahilan para sibakin sa puwesto ng SC si Muro dahil sa ginawa nitong pabor para makalabas si Yu na ang idinahilan ay ang kanyang sakit, subalit nahuli ang nasabing akusado na nagsusugal lamang sa casino.
Nakalagay pa sa desisyon ng SC na hindi na rin maaaring makabalik sa alinmang posisyon sa gobyerno si Demetria. Hindi rin niya matatanggap ang kanyang mga benepisyo bilang isang opisyal ng gobyerno. Ang tanging pinayagan ng Korte ay ang pagbibigay ng accrued leave credits na hindi nagamit ni Demetria bilang Justice ng Appelate Court.
Nabatid mula sa rules on civil procedure ng Rules of Court na hindi pinapayagan ng SC ang ikalawang motion for reconsideration kaya nangangahulugan lamang na pinal na ang ipinalabas na resolusyon ng Korte laban kay Demetria. (Ulat ni Grace Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
15 hours ago
Recommended