Administration at opposition senators 'nagsalpukan'
December 19, 2001 | 12:00am
Nagsalpukan kahapon ang oposisyon at administration bloc sa Senado matapos magkainitan nang pagsabayin ang pagdinig ng Commission on Appointments (CA) at plenary debates ng panukalang P780 bilyong national budget sa 2002.
Magkasunod na kinuwestiyon nina Senate Minority Leader Aquilino Pimentel Jr. at Sen. Edgardo Angara ang panukala ng administration bloc na magkasabay na gawin ang tungkulin ng dalawang constitutional body.
Ayon kay Pimentel, dapat bigyang prayoridad ng Senado kung alin sa dalawang mahalagang bagay ang uunahin, ang national budget na para sa lahat o ang kumpirmasyon ng iilang miyembro ng Gabinete ni Pangulong Arroyo.
Hindi umano mahahati ng mga senador ang kanilang oras sa pagdalo sa confirmation hearings nina Commission on Audit Chairman Guillermo Carague, Justice Sec. Hernando Perez, Finance Sec. Jose Isidro Camacho, Defense Sec. Angelo Reyes at ilang DFA officials.
Tagilid naman ang kumpirmasyon nina DENR Sec. Heherson Alvarez at DOTC Sec. Pantaleon Alvarez dahil sa pagtutol ng ilang sektor.
Ikinatuwiran naman ni Sen. Renato Cayetano na dapat tapusin ng Senado ang dalawang tungkulin nito dahil kakapusin ng panahon para mapagtibay ang pambansang budget. Layunin umano ni Cayetano na makumpirma agad ang ilang Gabinete ni Arroyo dahil "nakikiusap" ang Palasyo sa administration bloc na palusutin sina Reyes, Camacho at Perez.
Binara naman ni Angara si Cayetano nang sabihin ng una na bagitong senador ito kaya hindi nalalaman ang matagal nang records ng Senado na hindi pinagsasabay ang deliberasyon ng badyet at kumpirmasyon ng Gabinete.
"During the old congress, we never allow the confirmation hearing to coincide with the budget deliberations, you can even check the records of the Senate. That should be a lesson to the distinguished gentleman (Cayetano)," dugtong ni Angara. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Gemma Garcia | 9 hours ago
By Doris Franche-Borja | 9 hours ago
By Ludy Bermudo | 9 hours ago
Recommended