GMA kuntento sa oil price rollback

Idinepensa ni Pangulong Arroyo ang maliit na rollback na ipinatupad ng mga kompanya ng langis sa bansa.

Ayon sa Pangulo, hindi dapat magtampo ang publiko sa maliit na rollback sa dahilang maraming beses namang ipinatupad ito ng mga oil companies.

Ang pahayag ng Pangulo ay kaugnay ng pag-angal ng publiko dahil sa 30 sentimos lamang ang ibinaba sa presyo kumpara sa piso na pagtataya ng Consumer Oil Price Watch.

Sinabi ng Pangulo na kahit papaano ay binababa ang presyo ng langis kumpara sa mga nakalipas na panahon.

"Dahil sa dami ng pagbaba ng presyo, sa palagay ko imbes na parating iniisip natin na hindi tama, isipin natin na ‘nung araw ay bumababa ang presyo sa pandaigdigang pamilihan pero tumataas sa Pilipinas," paliwanag ng Pangulo. (Ulat ni Ely Saludar)

Show comments