Paggawa ng bahay na 'bansot' itigil na - Ople
December 17, 2001 | 12:00am
Nanawagan si Senador Blas Ople sa pamahalaan na tigilan na nito ang paggawa ng mga bahay na "bansot " at pagbebentang maliliit na bahagi ng lupa.
Sinabi ni Ople na marami nang town houses ang binuo ng pamahalaan na pawang maliliit na halos ay parang bahay ng kalapati na kung saan ay hirap kumilos ang isang pamilya dahil sa liit ng gagalawan.
Marami na sa kasalukuyan ang ibinibenta ng mga pribadong housing subdivision at town houses na mayroon lamang lot area hanggang 32 metro kuwadrado ang floor area na sumisingil ng P 3,000 bawat buwan na babayaran sa loob ng 18 hanggang 20 taon.
Kinakailangan na hindi dapat bumaba sa 120 metro kuwadrado ang lot area at dapat na 100 metro kuwadrado naman ang floor area upang makagalaw naman ang sinumang makakabili dito. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended