Kaya naman inalerto ng pamunuan ng Nestle ang mga awtoridad sa bagong modus operandi ng sindikato, makaraang makatanggap sila ng maraming reklamo buhat sa kanilang mga consumers na nabiktima nito.
Binanggit pa sa ulat na maraming mga consumers ang tumawag sa Nestlé at inalam kung papano nila makukuha ang kanilang mga premyo, kasabay ng pagsasabing nakatanggap sila ng tawag sa telepono na sila umano ay nanalo sa Nestlé Raffle Draw. Gayunman, bago umano nila makuha ang kanilang mga premyo ay kailangan nilang magdeposito ng halagang P6,000 hanggang P20,000 bilang processing at validation fee.
Ibinibigay pa umano ng caller kung saan bangko, saang branch at account number nila maaaring ilagay ang pera.
Wala umanong kinalaman ang Nestle sa ganitong modus-operandi.
Niliwanag ng Nestlé na ang standard procedure ng kompanya sa pagno-notify ng winners ay sa pamamagitan ng telegrama o di kaya ay kumontak sa Nestlé Sales Office sa kanilang mga lugar.