^

Bansa

Nestle' nagbabala laban sa swindling syndicate

-
Binalaan kahapon ng Nestlé ang publiko laban sa gumagalang swindling syndicate na bumibiktima sa kanilang mga consumers na gumagamit ng kasalukuyang promotions ng Bear Brand, Milo, Nescafé at Nestlé Family Breakaway.

Kaya naman inalerto ng pamunuan ng Nestle ang mga awtoridad sa bagong modus operandi ng sindikato, makaraang makatanggap sila ng maraming reklamo buhat sa kanilang mga consumers na nabiktima nito.

Binanggit pa sa ulat na maraming mga consumers ang tumawag sa Nestlé at inalam kung papano nila makukuha ang kanilang mga premyo, kasabay ng pagsasabing nakatanggap sila ng tawag sa telepono na sila umano ay nanalo sa Nestlé Raffle Draw. Gayunman, bago umano nila makuha ang kanilang mga premyo ay kailangan nilang magdeposito ng halagang P6,000 hanggang P20,000 bilang processing at validation fee.

Ibinibigay pa umano ng caller kung saan bangko, saang branch at account number nila maaaring ilagay ang pera.

Wala umanong kinalaman ang Nestle sa ganitong modus-operandi.

Niliwanag ng Nestlé na ang standard procedure ng kompanya sa pagno-notify ng winners ay sa pamamagitan ng telegrama o di kaya ay kumontak sa Nestlé Sales Office sa kanilang mga lugar.

BEAR BRAND

BINALAAN

BINANGGIT

EACUTE

FAMILY BREAKAWAY

GAYUNMAN

IBINIBIGAY

NESTL

SALES OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with