Ayon kina Pampanga Rep. Oscar Moreno at Bayan Muna Rep. Crispin Beltran, patuloy ang ginagawang pagla-lobby ng ilang tauhan ni Desierto upang pawalang saysay ang impeachment complaint na kasalukuyang nasa House committee on ethics.
Partikular na tinukoy ni Moreno si Overall Deputy Ombudsman Margarito Gervacio, na ayon sa kanya ay halos araw-araw niyang nakikita sa House.
"Gervacio is now a permanent fixture on the House of Representatives," pahayag ni Moreno.
Pero inamin naman ni Beltran na hindi pa nilalapitan ni Gervacio ang mga kinatawan ng Bayan Muna na kabilang sa nag-endorso ng impeachment dahil alam umano ni Desierto at mga tauhan nito na mabibigo sila sakaling silay makiusap.
Ang naturang impeachment ay may kinalaman sa umanoy pagtanggap ng kalahating milyong pisong suhol ni Desierto at mamahaling beta-cam equipment kapalit sa gagawing pag-upo ng Ombudsman sa Petron scam. (Ulat ni Malou Rongalerios-Escudero)