4 pang Cabinet members lumusot sa CA
December 13, 2001 | 12:00am
Apat pang miyembro ng Gabinete ni Pangulong Arroyo ang nakalusot sa kumpirmasyon ng Commission on Appointments (CA) kahapon. Pinagtibay ang mga appointment nina Energy Secretary Vicente Perez, Labor Sec. Patricia Sto. Tomas, Agriculture Sec. Leonardo Montemayor at Interior and Local Government Sec. Joey Lina. Pito ring ambassador ang nakumpirma ng CA habang 36 chief of missions, career ministers at foreign service officers. Ang mga ambassador ay sina Rafael Seguis sa Indonesia, Ernesto llamas, Singapore; Ronald Allarey, Venezuela; Regina Irene Sarmiento, Cuba; Guillermo Wong, Vietnam; Justo Orros Jr., Mexico at Romeo Arguelles, Netherlands. (Ulat ni Rudy Andal)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended