Sa nilagdaang Proclamation No. 120-A, sinabi ng Presidente na ang pagdedeklarang Dis.17 ay naglalayon na bigyan ng pagkakataon ang lahat upang lumahok sa mga kababayang Muslim sa paggunita ng nasabing araw.
Ito ay dumagdag sa naunang ideneklarang Dis.24 bilang holiday at hindi pag-obliga sa mga empleyado ng gobyerno na pumasok sa Dis.26,27,28 na ang bakasyon ay hanggang Enero 2 ng susunod na taon.
Samantala, sa Proclamation No. 126,ideneklara ng Presidente ang buong Disyembre bilang Rizal month na may kaugnayan sa Dis. 30-death anniversary ng bayaning si Dr.Jose Rizal na magkakaroon ng ibat ibang aktibidades. (Ulat ni Ely Saludar)