^

Bansa

GMA nagdagdag pa ng holiday

-
Ideneklara kahapon ni Presidente Gloria Macapagal- Arroyo ang Disyembre 17 bilang special non-working day sa buong bansa. Ito ay kaugnay ng pag-gunita ng Eid-Ul-Fitre, isang pinakamalaking Muslim festival kaugnay ng banal na buwan ng Ramadan.

Sa nilagdaang Proclamation No. 120-A, sinabi ng Presidente na ang pagdedeklarang Dis.17 ay naglalayon na bigyan ng pagkakataon ang lahat upang lumahok sa mga kababayang Muslim sa paggunita ng nasabing araw.

Ito ay dumagdag sa naunang ideneklarang Dis.24 bilang holiday at hindi pag-obliga sa mga empleyado ng gobyerno na pumasok sa Dis.26,27,28 na ang bakasyon ay hanggang Enero 2 ng susunod na taon.

Samantala, sa Proclamation No. 126,ideneklara ng Presidente ang buong Disyembre bilang Rizal month na may kaugnayan sa Dis. 30-death anniversary ng bayaning si Dr.Jose Rizal na magkakaroon ng iba’t ibang aktibidades. (Ulat ni Ely Saludar)

vuukle comment

DISYEMBRE

EID-UL-FITRE

ELY SALUDAR

ENERO

IDENEKLARA

PRESIDENTE GLORIA MACAPAGAL

PROCLAMATION NO

RIZAL

SAMANTALA

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with