Strunk ipatatawag na ng NBI
December 9, 2001 | 12:00am
Sisimulan na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pag-iimbestiga kay Rod Strunk at anumang araw ngayong linggo ay ipatatawag na ito para isailalim sa lie detector test.
Ayon sa isang NBI source na tumangging magpabanggit ng pangalan, hindi pa lusot si Strunk sa kasong pagpaslang sa asawa niyang aktres na si Nida Blanca. Tulad nang naunang lumabas sa pagsisiyasat ng PNP-Task Force Marsha ay nananatili pa rin itong suspek sa kaso.
"Siya pa rin ang pinakamalapit sa biktima ng maganap ang krimen at bilang asawa ay may mga personal na usapin na sila lamang dalawa ang nakakaalam," anang source.
Sinabi pa ng source na hindi porket nilinis siya ng self-confessed killer na si Philip Medel ay abswelto na siya sa imbestigasyon ng NBI. Hindi umano nagpapatangay ang NBI sa ginawang pagwawala ni Medel sa DOJ.
"Kaya nga nakatakda siyang (Strunk) isalang sa polygraph test ng NBI para mabatid kung nagsasabi ito ng katotohanan tungkol sa pagpatay sa kanyang asawang si Nida Blanca," sabi ng source.
Kamakalawa ay nagbigay ng kanyang salaysay sa NBI ang nag-iisang anak ni Blanca na si Kaye Torres kasama ang kanyang abogado na si Atty. Hariett Demetriou kung saan pinag-usapan ang mga huling naging transaksiyon ng kanyang ina bago ito pinaslang. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest