Magugunita na si Echiverri ay inireklamo ng isang opisyal ng US Embassy dahil sa hindi nito tinapos ang inisponsor nitong study tour para sa mga mambabatas at kinolekta pa rin umano ang buong allowance na ibinigay para sa kanila ng sponsor. Subalit sinabi ni Echiverri na walang dahilan para magreklamo ang embahada dahil ibinalik na niya ang mga nagastos para sa nasabing tour.
Si Monfort naman ay kinasuhan ng isang negosyante sa kanilang lalawigan matapos angkinin ang isang lupain na dapat idodonate sa isang barangay.
Patungo na rin sa dismissal ang reklamo ng dalawang negosyante laban kay Angpin na may kaugnayan naman sa isang gusali sa Maynila.
Nagpasya ang Ethics committee na ibasura ang mga reklamo laban sa tatlong mambabatas dahil naganap ang atraso ng mga ito noong hindi pa sila mga miyembro ng 12th Congress. (Ulat ni Malou Rongalerios-Escudero)