^

Bansa

Kaso vs 3 kongresista ibinasura

-
Tulad ng kaso ng "Gang of Five" ibinasura na rin ng House committee on Ethics ang tatlo pang magkakahiwalay na kaso laban naman kina Reps. Narciso Monfort (Iloilo), Harry Angpin (Manila) at Enrico Echiverri (Caloocan) dahil sa kawalan umano ng merito.

Magugunita na si Echiverri ay inireklamo ng isang opisyal ng US Embassy dahil sa hindi nito tinapos ang inisponsor nitong study tour para sa mga mambabatas at kinolekta pa rin umano ang buong allowance na ibinigay para sa kanila ng sponsor. Subalit sinabi ni Echiverri na walang dahilan para magreklamo ang embahada dahil ibinalik na niya ang mga nagastos para sa nasabing tour.

Si Monfort naman ay kinasuhan ng isang negosyante sa kanilang lalawigan matapos angkinin ang isang lupain na dapat idodonate sa isang barangay.

Patungo na rin sa dismissal ang reklamo ng dalawang negosyante laban kay Angpin na may kaugnayan naman sa isang gusali sa Maynila.

Nagpasya ang Ethics committee na ibasura ang mga reklamo laban sa tatlong mambabatas dahil naganap ang atraso ng mga ito noong hindi pa sila mga miyembro ng 12th Congress. (Ulat ni Malou Rongalerios-Escudero)

ANGPIN

CALOOCAN

ECHIVERRI

ENRICO ECHIVERRI

GANG OF FIVE

HARRY ANGPIN

ILOILO

MALOU RONGALERIOS-ESCUDERO

NARCISO MONFORT

SI MONFORT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with