Sa kanyang pagdalo sa graduation ng 161 kadete sa Philippine National Police Academy (PNPA) sa Camp Castañeda, Silang, lalawigan ng Cavite, sinabi ng Pangulo na napapanahon ang intelligence summit para marepaso at mapagbuti ang serbisyo ng intelligence community, pero sinabi ng Pangulo na hindi naman nangangahulugan na palpak ang intelligence comunity sa bansa.
Ayon sa Pangulo, matapos ang pag-atake sa US noong Sept. 11 at pagsabog sa Israel ay agad na nirebisa ang intelligence ng kanilang bansa na mas marapat na gawin din sa Pilipinas.
"Not a break down because just like the US after the World Trade bombing they examined their intelligence. Even in Israel, after the suicide bomb they examined their intelligence. What more us," paliwanag pa ng Punong Ehekutibo. (Ulat ni Ely Saludar)