Sinabi ni Oreta na kailangan nang kumilos ang pamahalaan para maibalik si Misuari sa ating bansa upang magkaroon ito ng pagkakataong maipagtanggol ang sarili sa paratang na rebelyon at paglulustay ng pondo habang nanunungkulan bilang ARMM governor.
Ikinababahala ng senadora na baka paghinalaan pa ng makapangyarihang Islamic body na ginigipit lamang ng Palasyo si Misuari sanhi ng mabagal na pagkilos sa repatriation issue nito.
Ayon sa ulat, nananatiling kinikilala ng OIC si Misuari bilang MNLF leader at natatanging kinatawan ng Bangsamoro people sa buong bansa.
Sinabi ni Oreta na maaring magbago ang pananaw ng OIC sa dating lider ng MNLF kapag nakapagsumite ng matitibay na ebidensiya ang pamahalaan sa kaso at isasasampa agad sa korte. (Ulat ni Grace Amargo)