Gobyerno kinastigo sa repatriation ni Misuari
December 6, 2001 | 12:00am
Kinastigo ni Senador Tessie Aquino-Oreta ang patumpik-tumpik na pagkilos ng administrasyon upang maibalik kaagad sa bansa si dating ARMM Gov. Nur Misuari at litisin sa kasong kinasasangkutan ng dating lider ng MNLF.
Sinabi ni Oreta na kailangan nang kumilos ang pamahalaan para maibalik si Misuari sa ating bansa upang magkaroon ito ng pagkakataong maipagtanggol ang sarili sa paratang na rebelyon at paglulustay ng pondo habang nanunungkulan bilang ARMM governor.
Ikinababahala ng senadora na baka paghinalaan pa ng makapangyarihang Islamic body na ginigipit lamang ng Palasyo si Misuari sanhi ng mabagal na pagkilos sa repatriation issue nito.
Ayon sa ulat, nananatiling kinikilala ng OIC si Misuari bilang MNLF leader at natatanging kinatawan ng Bangsamoro people sa buong bansa.
Sinabi ni Oreta na maaring magbago ang pananaw ng OIC sa dating lider ng MNLF kapag nakapagsumite ng matitibay na ebidensiya ang pamahalaan sa kaso at isasasampa agad sa korte. (Ulat ni Grace Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest