Pasahe malabong ibaba
December 4, 2001 | 12:00am
Matapos ang pinakahuling rollback sa presyo ng langis kamakalawa ng gabi, malabo pa rin ang inaasahang pagbaba ng pamasahe sa mga pampublikong sasakyan sa halagang P.50.
Sinabi ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Dante Lantin na kasalukuyang naiipit pa sa kanilang board ang petisyon na isinumite ng Philippine Confederation of Drivers Organization-Alliance of Concerned Transport Operators (PCDO-ACTO) para sa pagro-rollback ng pasahe.
Ayon kay Lantin, kinontra na naman umano ang naturang petisyon ng PISTON at ng Pambansang Kalipunan ng mga Kooperatibang Pansasakyan (PKKP) na nagsumite rin ng sarili nilang petisyon upang ibasura ng LTFRB ang petisyon sa rollback ng PCDO-ACTO.
Masusi umano nilang kinokonsidera ang kalagayan ng mga driver dahil sa pagtaas rin ng maintenance costs at mga matataas na bayarin sa kanilang mga terminals.
Kasabay ng ikaapat na rollback sa presyo ng langis ng P.30 kada litro, ikinatuwiran ni Lantin na hindi pa rin umano nakakabawi ang mga driver dahil sa may kabuuan pa lang na P1.31 ang naibaba sa presyo kumpara sa mas malaking P1.80 na itinaas na langis mula noong Oktubre 2000.
Kung ikukumpara umano ang presyo ng diesel noong Oktubre 4, 2000 pumapatak lamang ito sa halagang P13 kada litro. Sa kasalukuyan ay nasa P13.49 kada litro ito ngayon kahit na nagbaba ng P.30 kamakalawa ng gabi.
Sinabi naman ni PISTON President Medardo Roda na nararapat muna umano ang P3.34 na rollback kada litro ng langis bago magkaroon ng rollback sa pasahe. (Ulat nina Danilo Garcia at Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended