Malaysia atat nang-i-deport si Misuari
December 4, 2001 | 12:00am
Habang tila walang balak ang Pilipinas na mabalik sa bansa ang nagrebelyong si Nur Misuari ay inip na ang Malaysia na i-deport ang dating ARMM governor.
Ayon kay Malaysian Defense Minister Najib Razak, sa lalong madaling panahon ay dapat nang mawala sa kanilang bansa si Misuari.
Ang matagal na pananatili umano nito sa naturang bansa ay maaaring magdulot ng banta sa seguridad dahil na rin sa posibleng panganib na ihahasik ng mga followers ni Nur.
Si Misuari ay noon pang Nobyembre 24 nasa Malaysia matapos arestuhin dahil sa illegal entry.
"We have to wait for a signal from Manila on whether they are ready to receive Misuari," sabi ni Najib.
"We have not heard anything, (but) we hope the sooner the better."
Gayunman, wala pa silang natatanggap na anumang indikasyon mula sa Pilipinas patungkol sa deportasyon nito.
Nilinaw rin ni Razak na hindi ugali ng Malaysia na magbigay ng espesyal na trato sa mga taong lumabag sa kanilang batas.
Ang pahayag ay matapos mapaulat na ang naturang rebel leader ay nasa isang palace sa Sabah.
"Misuari is being held at a government facility but it is definitely not a palace," pahayag pa ng report. (Ulat ni Joy Cantos at AFP)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended