Pinay patay sa Israel suicide bombings
December 4, 2001 | 12:00am
Isang Filipina ang nagkalasog-lasog, samantala nasa malubhang kalagayan ang apat pang kapwa Pinoy ng pasabugan ng bomba ng isang Palestinian suicide bomber ang isang bus na puno ng mga pasahero sa Haifa, Israel noong nakaraang Linggo.
Sa report mula sa Philippine Embassy sa Tel Aviv, dead-on-the-spot si Rosalia Reyes, 42, ng Padre Garcia, San Juan, Batangas habang malubhang nasugatan sina Raul Divas at kapatid nitong si Maricar; Lili Basi at Mario Libao. Tanging ang magkapatid na Divas ang idineklarang ligtas na sa panganib, samantala si Libao ay kasalukuyan pa ring nasa intensive care unit at si Basi ay nasa kritikal na kondisyon at takdang sumailalim sa surgical operation. Ang mga sugatang Filipino ay naka-confine sa Ramban Hospital sa Haifa.
Ang bangkay ni Reyes ay kasalukuyang isinasailalim sa "forensic test" sa Abu Kabir Forensic Institute na umanoy nagkalasog-lasog dahil sa tindi ng tama ng bomba. Nakikipag-ugnayan na ang Department of Foreign Affairs sa pamilya nito upang mapauwi ang bangkay sa Pilipinas sa lalong madaling panahon.
Nabatid na si Reyes at ang apat na sugatang Pinoy ay sakay ng isang bus sa Haifa ng biglang pumutok ang isang bomba na puno ng mga pako at mga pira-pirasong metal na inilagay ng isang Palestinian suicide bomber.
Nauna rito, dalawang suicide bombers ang nag-detonate ng kanilang mga bomba malapit sa mataong Zion Square shopping complex sa Jerusalem noong Sabado ng gabi na ikinasawi ng 10 biktima. Ang pagsabog ay sumugat ng 180 kataong iba pa.
Sampung minuto pagkaraan ay niyanig ng ikatlong pagsabog ang naturang lugar mula sa isang car bomb.
Labing-dalawang oras ang nakalipas ay naganap ang bus attack sa Haifa.
Sa kabuuan ay 25 ang nasawi at nasa 200 ang bilang ng sugatan.
Ang mga insidente ay bahagi ng Palestinian major bombing campaign sa Israel.
Ayon sa DFA, mayroong 30,000 Filipino sa Israel. Wala naman balak ang DFA na pauwiin ng bansa ang mga Pinoy doon. (Ulat nina Rose Tamayo at Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended