^

Bansa

Kaye Torres dumulog kay GMA

-
Idinulog na kay Pangulong Arroyo ni Katherine "Kaye" Torres ang mabilis na kalutasan sa pagpaslang ng kanyang inang si Nida Blanca sa gitna na rin ng iba’t ibang espekulasyon hinggil sa tunay na dahilan ng pagkamatay nito.

Si Kaye kasama ang kanyang Lolang si Inocencia ay sinamahan ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Reynaldo Wycoco ng magsadya kahapon sa Malacañang para personal na makausap ang Presidente.

Ang kanilang pagkikita ay matapos i-request ni Kaye kay Wycoco ang posibleng pakikipag-miting sa Pangulo para sa isang private conversations.

Sa kanilang pag-uusap ay siniguro sa kanila ng Pangulo na walang "white wash" sa imbestigasyon at ipinangakong mabibigyan ng katarungan ang malagim na pagkamatay ng beteranang aktres. Wala nang ibinigay pang detalye hinggil sa naturang miting.

Tumanggi naman si Presidential Spokesman Rigoberto Tiglao na magkomento kung ang paghingi ng tulong ni Kaye ay dahil na rin sa pagkabigo ng PNP Task Force Marsha na mapatunayan ang bintang na si Rod Lauren Strunk ang utak ng krimen matapos umatras ang self-confessed killer na si Philip Medel Jr.

Dahil sa umano’y kapalpakang ito ng PNP ay ibinigay ni Kaye sa NBI ang buong kapangyarihan para hawakan ang imbestigasyon sa kaso. (Ulat ni Lilia Tolentino)

DIRECTOR REYNALDO WYCOCO

LILIA TOLENTINO

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NIDA BLANCA

PANGULO

PANGULONG ARROYO

PHILIP MEDEL JR.

PRESIDENTIAL SPOKESMAN RIGOBERTO TIGLAO

ROD LAUREN STRUNK

SI KAYE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with