PNP suportado si GMA
November 30, 2001 | 12:00am
Sa kabila ng nilulutong impeachment case para patalsikin sa kapangyarihan si Pangulong Arroyo ay nananatiling buo at matatag ang suporta ng pangkalahatang puwersa ng Philippine National Police (PNP) sa kasalukuyang administrasyon.
Ito ang tiniyak kahapon ni PNP Spokesman, Chief Supt. Crescencio Maralit kasabay ng pagsasabing di sila apektado ng nasabing isyu.
Sinabi ni Maralit na isang pangkaraniwang balita lamang para sa kanila ang isyung impeachment laban sa kanilang Commander-in-Chief dahil tanggap umano ng hukbo na lubos na magulo ang pulitika sa bansa.
Matatandaan na bukod sa militar ay naging malaki rin ang papel ng PNP sa pagpapatalsik kay dating Pangulong Estrada na siya namang naging dahilan para maluklok sa puwesto si Arroyo. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended