^

Bansa

Mga bihag ng MNLF renegades forces pinakawalan na

-
Matapos ang mahigit 24-oras na puno ng tensiyong hostage crisis, pinalaya na ng Moro National Liberation Front (MNLF) renegade forces ang may 80 sibilyan kapalit ng safe conduct pass na ipinagkaloob ng pamahalaan para makatakas sa tropa ng militar sa Zamboanga City kahapon.

Nabatid na hinayaan ng mga sundalo na makalusot ang may 120 armadong loyalista ni Nur Misuari patungong Zambonga del Sur kapalit ng ligtas na pagpapalaya sa mga bihag.

Batay sa report, kahapon ng madaling araw ay inumpisahang palayain ng MNLF fighters ang 21 bihag at pagsapit ng 1:35 ng hapon ay ang natitirang 59 hostage naman ang isinunod na pinakawalan.

Ilang minuto matapos mapakawalang lahat ay nagkasundo ang negotiating panel sa pamumuno ni Zamboanga City Rep. Celso Lobregat at MNLF renegade group sa ilalim ng liderato ng pamangkin ni Misuari na si Julhambri Misuari, na patakasin na lamang ang lahat ng mga rebelde.

Nabatid na ineskortan ng militar ang mga renegade patungong Zambonga del Sur.

Aminado naman si AFP Spokesman Brig. Gen. Edilberto Adan na wala na sa hurisdiksiyon ng militar kung kakasuhan nila ng rebelyon ang nabanggit na bilang ng mga rebelde.

"They will be allowed to leave the city, they are about 120 of them. Our concern was to get the hostages and clear Zamboanga City of this threat. It’s up to the city government, yung pagsasampa ng kaso basta kami our main objective is the safety of all the hostages,"
pahayag ni Adan.

Isinuko na rin umano ng mga rebelde ang 100 matataas na kalibre ng armas ng mga ito at nasa kostudya na ni acting ARMM Gov. Isnaji Alvarez.

Pinasalamatan naman ni Pangulong Arroyo ang crisis committee sa matagumpay nilang negosasyon sa paglaya ng 80 bihag ng Misuari MNLF faction.

Sinabi ng Pangulo na ipinauubaya na niya sa AFP kung anong aksiyon ang gagawin sa grupo ng MNLF na nambihag sa mga sibilyan sa Zamboanga City.

Inatasan ng Pangulo si Southcom Chief Gen. Roy Cimatu na planuhin ang mga tactical operations upang matiyak na hindi na ito mauulit.

Puspusan pa rin ang pagbabantay ng militar sa bisinidad ng lungsod partikular sa Zamboanga Peninsula na nagsisilbing sentro ng kapangyarihan ng ARMM government. (Ulat nina Joy Cantos, Lilia Tolentino at Ely Saludar)

CELSO LOBREGAT

EDILBERTO ADAN

ELY SALUDAR

ISNAJI ALVAREZ

JOY CANTOS

JULHAMBRI MISUARI

LILIA TOLENTINO

MISUARI

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with