^

Bansa

First Gentleman inabsuwelto, GMA idiniin

-
Inabsuwelto ng Philippine Communication Clearinghouse Inc. at APC Wireless Interface Network si First Gentleman Mike Arroyo sa P40 milyon telecom franchise deal subalit idiniin naman si Pangulong Arroyo sa paghingi nito ng majority control sa dalawang kumpanya.

Ito ang iginiit kahapon ni Atty. Pacifico Marcelo ng PCCI at APC Wireless matapos magsumite ng 12-page affidavit nito sa Senate blue ribbon committee na pinamumunuan naman ni Senator Joker Arroyo.

Sinabi ni Atty. Marcelo, principal stock holder ng 2 kumpanya, walang hinihinging P40 milyon suhol si First Gentleman Arroyo sa kanya para mabawi ang veto order sa spell out franchise bill pero may mga pagtatangka ang dalawang malalapit kay Mr. Arroyo na sina Ito Los Banos, presidential assistant for special concerns at Antonio Gatuslao, presidential legislative assistant ng Malacañang.

Una ay P40 milyon ang hinihingi umano nina Los Banos hanggang sa maging P8 milyon at maging P6 milyon na lamang para lakarin ang pagbawi sa veto pero tinanggihan namin ito, wika pa ni Marcelo.

Nitong 1st week ng August nang dumating ako mula sa paglalakbay sa US, ay nakatanggap ako ng tawag sa telepono mula kay Mai-Mai Jimenez, appointment secretary ni Pangulong Arroyo, dahil nais akong kausapin ni Pangulong Arroyo kinabukasan sa Malacañang, wika pa ni Marcelo.

Nakaharap naman niya si Pangulong Arroyo sa isang silid sa Palasyo kung saan ay inabot ng 30 minuto ang kanilang paghaharap kung saan ay tinalakay niya ang naging problema ng 2 niyang kumpanya.

Sinabi umano sa kanya ng Pangulo na nagpapasalamat ito dahil sa ipinalalabas na statement ng PCCI na wala itong sinuhulan sa Palasyo para bawiin ang veto ng 2 franchise bill.

Humantong ang kanilang pag-uusap kung puwede naman niyang isumite na lamang ulit ang aplikasyon ng prangkisa ng kanyang 2 kumpanya sa kongreso pero tumutol ang Pangulo dahil hindi umano niya papayagan na makapag-operate siya (Marcelo) ng isang clearing house dahil ang gobyerno umano ang dapat may kontrol dito.

Nagulat naman si Marcelo nang biglang sabihin ng Pangulo na kung papayag siya na ibigay ang majority control ng kanyang 2 kumpanya ay baka matulungan pa niya ito pero tumutol siya dahil maliit na lamang ang matitira sa kanilang magkakasama sa negosyo.

Sinagot umano siya ni Pangulong Arroyo na ‘then I am sorry, there is nothing I can do for you’’ saka tumayo dahil may dinner pa umano ang chief executive sa PMA Class ’71 ng gabing iyon.

Pagkatapos nito ay dumanas naman ng sunud-sunod na harassment si Marcelo mula sa kanyang mga kontrata sa gobyerno tulad ng supply niya ng phone booths sa Telepono sa Barangay Program, ang kontrata nito sa PLDT na pagtatayo ng 30,000 card payphones ay nakansela at ang consultancy niya sa Bulacan Bulk Water Supply na foreign funded ay inalis din sa kanya. (Ulat ni Rudy Andal)

ANTONIO GATUSLAO

ARROYO

BARANGAY PROGRAM

BULACAN BULK WATER SUPPLY

FIRST GENTLEMAN ARROYO

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

ITO LOS BANOS

MARCELO

PANGULO

PANGULONG ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with