Ayon sa report, ito na ang pagkakataon ng Malaysia na mag-imbestiga sa naganap na kidnapping sa Sipadan na isinagawa ng bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) kung saan si Misuari ang umanoy utak.
Pinag-aaralan na rin ng Malaysia ang request ng Pilipinas na sa kanilang bansa na muna i-detain si Misuari alinsunod sa kahilingan ni Pangulong Arroyo na doon muna ito.
Si Misuari, kasama ang anim na tauhan ay naaresto sa Jampiraz island sa Sabah nang tangkain nitong pasukin ang naturang teritoryo ng Malaysia noong nakaraang Sabado matapos tumakas sa Jolo. Mula Malaysia ay balak nitong magtungo sa Saudi Arabia.
Ayon kay Defense Secretary Angelo Reyes, itinuturing na ngayong terorista ng pamahalaan at banta sa pambansang seguridad si Misuari dahil na rin sa mga kasong kriminal na kinakaharap nito.
Matapos litisin si Misuari sa paglabag nito sa batas ng bansang Malaysia ay mga kaso naman nito sa pamahalaan ang kanyang haharapin kabilang na ang naganap na pag-atake sa Armys 104th Brigade sa Jolo noong nakalipas na Nobyembre 19 kung saan siya sinampahan ng kasong rebelyon dahil sa pagiging utak umano sa nasabing Sulu attack, gayundin sa Sipadan kidnappings. (Ulat ni Joy Cantos)