^

Bansa

Misuari sinisiyasat ng Malaysian authorities sa Sipadan kidnapping

-
Posibleng iantala ang planong pagpapabalik sa bansa ng nagrebelyong si outgoing Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Gov. Nur Misuari dahil iniimbestigahan ng Malaysian authorities ang naging partisipasyon nito sa Sipadan hostage crisis.

Ayon sa report, ito na ang pagkakataon ng Malaysia na mag-imbestiga sa naganap na kidnapping sa Sipadan na isinagawa ng bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) kung saan si Misuari ang umano’y utak.

Pinag-aaralan na rin ng Malaysia ang request ng Pilipinas na sa kanilang bansa na muna i-detain si Misuari alinsunod sa kahilingan ni Pangulong Arroyo na doon muna ito.

Si Misuari, kasama ang anim na tauhan ay naaresto sa Jampiraz island sa Sabah nang tangkain nitong pasukin ang naturang teritoryo ng Malaysia noong nakaraang Sabado matapos tumakas sa Jolo. Mula Malaysia ay balak nitong magtungo sa Saudi Arabia.

Ayon kay Defense Secretary Angelo Reyes, itinuturing na ngayong terorista ng pamahalaan at banta sa pambansang seguridad si Misuari dahil na rin sa mga kasong kriminal na kinakaharap nito.

Matapos litisin si Misuari sa paglabag nito sa batas ng bansang Malaysia ay mga kaso naman nito sa pamahalaan ang kanyang haharapin kabilang na ang naganap na pag-atake sa Army’s 104th Brigade sa Jolo noong nakalipas na Nobyembre 19 kung saan siya sinampahan ng kasong rebelyon dahil sa pagiging utak umano sa nasabing Sulu attack, gayundin sa Sipadan kidnappings. (Ulat ni Joy Cantos)

ABU SAYYAF GROUP

AUTONOMOUS REGION

AYON

DEFENSE SECRETARY ANGELO REYES

JOLO

JOY CANTOS

MISUARI

MULA MALAYSIA

MUSLIM MINDANAO

SIPADAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with