Nur Misuari matagal nang naghuhudas sa gobyerno
November 27, 2001 | 12:00am
Matagal na umanong naghuhudas sa pamahalaan si Nur Misuari dahil noon pa ito nakipag-alyansa sa bandidong Abu Sayyaf Group.
Ayon sa isang mataas na opisyal ng militar na tumangging magpabanggit ng pangalan, mayroong lihim na ugnayan ang gobernador at ASG Sulu-based na pinamumunuan nina Commander Robot at Commander Mujib Susukan kung saan ilan sa mga miyembro nito ay dating MNLF fighters.
Ibinulgar pa ng source na nagbibigay din umano ng paminsan-minsang suportang pinansiyal ang dating MNLF leader sa ASG na maaaring ang pondo ay mula sa pera ng ARMM bukod pa ang sinasabing training at armas sa mga bandido.
Kamakalawa ay inihayag nina Defense Sec. Angelo Reyes at AFP spokesman Brig. Gen Edilberto Adan na si Misuari ang utak ng Sipadan hostage sa Sipadan, Malaysia.
Nabatid na pakana umano ni Misuari ang pagdukot sa 21 bihag na 18 dito ay pawang European nationals para makakuha ng ransom na dolyar para sa kapakinabangan ng ASG at grupo nito sa MNLF.
Matatandaang umakto pang isa sa mga negosyador ng pamahalaan si Misuari sa pagpapalaya sa mga dayuhang bihag para umano di mahalata ang malakas na koneksiyon nito sa bandidong grupo.
Pero di nagtagal ay inayawan na ng ASG ang pagiging negosyador ni Misuari makaraang mag-demand umano ang huli ng mas malaking parte sa ransom money.
Idinagdag pa ng source na nagkasundo lamang sina Commander Robot at Nur nitong huli ng mangako ang gobernador na bibigyan ito ng mas malaking pera bilang bayad sa mga bandido na sasama sa paghahasik ng kaguluhan ng Misuari faction bilang pagkontra sa pagdaraos ng ARMM elections. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am