Mahigpit ang pagbabantay ng tropa ng pamahalaan sa limang lalawigan na saklaw ng ARMM at inaasahan ang pagboto ng humigit kumulang na 1.3 milyong botante.
Ikakalat ang puwersa ng militar at pulisya sa 9,253 polling precints para tiyakin na magiging malinis at mapayapa ang eleksyon.
May 154 na kandidato ang maglalaban-laban para sa 26 posisyon kabilang ang 11 para sa pagka-gobernador.
Nanawagan naman si Presidente Arroyo na ihalal ang kanilang mga manok na may karapatang mamuno sa Mindanao tulad ni Parouk Hussein na siyang kandidato ng administrasyon para sa pagka-gobernador.
Ayon pa kay Presidente Arroyo na ang halalan ay ang huling bahagi ng ipinapatupad na 1996 peace agreement.