^

Bansa

Sa pagkadakip kay Misuari, ARMM elections magiging payapa - GMA

-
ZAMBOANGA CITY - Malaki ang paniniwala ni Presidente Gloria Macapagal Arroyo na maging mapayapa ang magaganap na Autonomous Region for Muslim Mindanao (ARMM) election ngayong araw na ito matapos maaresto sa Sabah ang nagrebeldeng si outgoing ARMM Governor Nur Misuari.

Mahigpit ang pagbabantay ng tropa ng pamahalaan sa limang lalawigan na saklaw ng ARMM at inaasahan ang pagboto ng humigit kumulang na 1.3 milyong botante.

Ikakalat ang puwersa ng militar at pulisya sa 9,253 polling precints para tiyakin na magiging malinis at mapayapa ang eleksyon.

May 154 na kandidato ang maglalaban-laban para sa 26 posisyon kabilang ang 11 para sa pagka-gobernador.

Nanawagan naman si Presidente Arroyo na ihalal ang kanilang mga ‘manok’ na may karapatang mamuno sa Mindanao tulad ni Parouk Hussein na siyang kandidato ng administrasyon para sa pagka-gobernador.

Ayon pa kay Presidente Arroyo na ang halalan ay ang huling bahagi ng ipinapatupad na 1996 peace agreement.

vuukle comment

AUTONOMOUS REGION

AYON

GOVERNOR NUR MISUARI

IKAKALAT

MAHIGPIT

MALAKI

MUSLIM MINDANAO

PAROUK HUSSEIN

PRESIDENTE ARROYO

PRESIDENTE GLORIA MACAPAGAL ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with