Sinabi ni Perez na magandang pamasko sa mga Pilipino ang 75-centavo reduction dahil ito na lamang umano ang hinihintay ng mga driver associations upang makapagbaba na rin sila ng singil sa pamasahe.
Hindi umano sapat ang pinakahuling 30-centavo oil price reduction dahil bumababa na ng $16 per barrel ang presyo ng crude oil sa international market noong Nob. 19, 2001.
Dapat lamang umanong magbigay ng pamasko ang Shell, Caltex at Petron sa mga consumers dahil sobrang laki na ng kanilang tinutubo. (Ulat ni Malou Escudero)