75 sentimo hiniling na rollback sa 3 kompanya ng langis ngayong pasko
November 24, 2001 | 12:00am
Hinikayat kahapon ni House Assistant Majority Leader Frank Perez (Batangas) ang tatlong dambuhalang kompanya ng langis na ibaba na sa 75 sentimo ang presyo ng mga produktong petrolyo bilang pamasko sa mga mamamayan.
Sinabi ni Perez na magandang pamasko sa mga Pilipino ang 75-centavo reduction dahil ito na lamang umano ang hinihintay ng mga driver associations upang makapagbaba na rin sila ng singil sa pamasahe.
Hindi umano sapat ang pinakahuling 30-centavo oil price reduction dahil bumababa na ng $16 per barrel ang presyo ng crude oil sa international market noong Nob. 19, 2001.
Dapat lamang umanong magbigay ng pamasko ang Shell, Caltex at Petron sa mga consumers dahil sobrang laki na ng kanilang tinutubo. (Ulat ni Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended