Mendoza, sinabon si Gualberto
November 24, 2001 | 12:00am
Sinabon kahapon ni PNP Chief Director General Leandro Mendoza si Task Force Marsha Chief Nestorio Gualberto dahil sa umanoy kapalpakan sa imbestigasyon sa Nida Blanca slay pagkaraang bumaligtad ang self-confessed killer na si Philip Medel.
Ayon sa mga close-in security ni Mendoza, halos ilang minuto umanong pinagpawisan si Gualberto habang tinatanong ni Mendoza sa pagsemplang ng Task Force Marsha sa kritikal na yugto ng imbestigasyon sa kaso.
Pagpasok na pagpasok pa lamang umano ni Gualberto sa tanggapan ng PNP chief ay sinalubong na ito ng maaanghang na pananalita nang huli na noon at halata na umanong mainit ang ulo.
"Pambihira! Anong nangyari. Bakit nyo inilaglag ang PNP?" galit na sambit umano ni Mendoza .
Posible anyang napahiya nang husto si Mendoza kaya hindi na nagpakita sa media.
Gayunman, wala umanong nagawa si Gualberto kundi ipaliwanag ang panig ng TF Marsha at tinanggap naman umano ni Mendoza ang kanyang paliwanag. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest