Ayon kay Sen. Blas Ople, chairman ng Senate committee on foreign relations na kailangang gamitin ng pamahalaan ang kapangyarihan nito at ang extradition treaty sa mga bansang posibleng gawing kanlungan ni Misuari upang maibalik ito sa bansa.
Sinayang anya ni Misuari ang tiwalang ipinagkaloob sa kanya ng pamahalaan at ng kanyang mga kababayan dahil nabigo itong maibigay ang inaasahang pag-unlad sa ARMM at sa halip ay nilustay umano ang pondo para sa kanyang sariling kapakanan.
Tinawag ring duwag ni Ople si Misuari dahil sa ginawa nitong pa-iwan sa kanyang walang kamalay-malay na mga tauhan na kasalukuyan pa ring nakikipaglaban.
Panahon na anya para mamulat ang mga kasapi ng MNLF na ginagamit lamang sila ni Misuari sa sarili nitong interes. (Ulat ni Rudy Andal)