^

Bansa

Misuari hulihin ng buhay !

-
Mahalagang mahuli ng buhay si outgoing ARMM Gov. Nur Misuari upang panagutan nito ang kanyang nagawa sa gobyerno at hindi magamit ng kanyang mga kaalyado ang isyu at gawin pa itong bayani sa kabila ng kanyang nagawa sa bayan.

Ayon kay Sen. Blas Ople, chairman ng Senate committee on foreign relations na kailangang gamitin ng pamahalaan ang kapangyarihan nito at ang extradition treaty sa mga bansang posibleng gawing kanlungan ni Misuari upang maibalik ito sa bansa.

Sinayang anya ni Misuari ang tiwalang ipinagkaloob sa kanya ng pamahalaan at ng kanyang mga kababayan dahil nabigo itong maibigay ang inaasahang pag-unlad sa ARMM at sa halip ay nilustay umano ang pondo para sa kanyang sariling kapakanan.

Tinawag ring duwag ni Ople si Misuari dahil sa ginawa nitong pa-iwan sa kanyang walang kamalay-malay na mga tauhan na kasalukuyan pa ring nakikipaglaban.

Panahon na anya para mamulat ang mga kasapi ng MNLF na ginagamit lamang sila ni Misuari sa sarili nitong interes. (Ulat ni Rudy Andal)

AYON

BLAS OPLE

KANYANG

MAHALAGANG

MISUARI

NUR MISUARI

OPLE

PANAHON

RUDY ANDAL

SINAYANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with