Air Force dudurugin ang MNLF-Defensor

Gagamitin ng Philippine Air Force ang lahat ng puwersa at armas nito para pulbusin ang Moro National Liberation Front (MNLF).

Sa pahayag ni Air Force Chief, Lt. Gen. Benjamin P. Defensor, Jr. desidido ang PAF na tapusin ang terroristic actions sa Mindanao na inihahasik ng mga komunista at rebeldeng Muslim.

Inatasan na ni Defensor ang lahat ng Mindanao-based tactical units na ituloy ang paghabol sa MNLF renegades na responsable sa pag-atake sa Army’s 104th Brigade sa Jolo, Sulu na ikinasawi ng 113 katao.

Habang isinusulat ang balitang ito, patuloy na sinusuyod ng helicopter gunships, OV-10 bombers at SF 260 Marchetti warriors ang bulubundukin ng Sulu para habulin ang mga MNLF renegades.

"The days to come will see our planes and men on the job again. They will once again work with other AFP ground troops to eliminate these heartless rebels. I am confident that we will overcome the enemies on the soonest possible time,"
pahayag pa ni Defensor.(Ulat ni Joy Cantos)

Show comments