^

Bansa

Background check sa pagkatao ni Rod Strunk, isasagawa

-
Nakatakdang magsagawa ng "background check" ang PNP-Task Force Marsha sa Estados Unidos para alamin ang tunay na pagkatao ni Rod Strunk. Makikipag-ugnayan ang mga lokal na imbestigador sa ilang eksperto sa imbestigasyon upang bulatlatin ang tunay na pagkatao ng dating singer-actor at kung ano ang naging pamumuhay nito nang nasa US pa.

Ito ay kasunod na rin ng mga naglabasang impormasyon sa e-mail na nakarating sa Task Force Marsha kaugnay ng pagkamatay ng unang asawa ni Strunk sa Amerika na kahalintulad din ng kamatayang sinapit ni Nida Blanca.

Hindi naman idinetalye ng source kung paano namatay ang unang asawa ni Strunk na di binanggit ang pangalan sa Los Angeles at kung ano ang nangyari sa umano’y kaso ng pagkamatay ng asawa bago pa man sila nagkatuluyan ng pinaslang na aktres.

Si Strunk ay unang nakilala ni Nida noong huling bahagi ng dekada 70 ng dumalaw sa bansa ang singer-actor. Naging guest ni Blanca si Strunk sa kanyang Nida and Nestor Show kung saan nagsimula ang kanilang pagkakaibigan. Kasintahan ni Blanca si Bert Leroy noong mga panahong ‘yon. Taong 1979 ng muling magkita ang dalawa na kapwa malaya na sa kanilang mga "commitment" kaya agad silang nagpasyang magpakasal at nagsama sa loob ng 22 taon. (Ulat ni Joy Cantos)

BERT LEROY

ESTADOS UNIDOS

JOY CANTOS

LOS ANGELES

NIDA AND NESTOR SHOW

NIDA BLANCA

ROD STRUNK

SI STRUNK

STRUNK

TASK FORCE MARSHA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with