Vandolph nasa kritikal pa rin
November 21, 2001 | 12:00am
Nasa kritikal na kondisyon pa rin ang batang aktor na si Vandolph Quizon kung saan patuloy na minomonitor ng mga doktor ang kanyang kalagayan sa intensive care unit ng Makati Medical Center.
Nabatid na "unconscious" pa rin ang aktor at sumailalim sa mahabang operasyon matapos na mamaga ang utak nito at nangangambang maputulan rin ng mga paa bunga ng matinding pinsala na tinamo sa aksidenteng kinasapitan, kamakalawa ng hapon sa Pozzorubio, Pangasinan.
Matatandaang si Vandolph, 17, ay naaksidente sa kahabaan ng barangay Rosario, Pozzorubio. Minamaneho nito ang kanyang Ford Expedition kasama ang umanoy nobyang si Krissie Raqueza at dalawa pang nakilalang sina Allan, 29, at Roel, 20, na nasa backseat nang tangkain umano nitong mag-overtake pero inabot ng kasalubong na isang Isuzu Elf truck na minamaneho ni Ronnie Ulpindo, 29, ng Kapitan Tomas, Rosales, Pangasinan.
Tulad ni Vandolph, isinailalim din sa CT Scan ang nobya, habang ligtas na sa panganib ang dalawa pang kasama na nagtamo lamang ng minor injuries.
Nabatid na hindi pumasok sa school si Vandolph at ang nobya nito at patungong Baguio City ng maaksidente. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended