'Surfer' na nagdiin kay Rod sa internet, kikilalanin
November 19, 2001 | 12:00am
Masusing kikilalanin ng PNP-Task Force Marsha ang umanoy "surfer" na nangangalang Jonathan na unang nagturo at nagdiin kay Rod Strunk sa internet na ito ang umanoy pumaslang sa asawang aktres na si Nida Blanca.
Ayon sa spokesman ng Task Force Marsha, Sr/Supt. Leonardo Espina na ang kanilang pamunuan ay nagsasagawa ng malalim na imbestigasyon upang makilala ang ang pagkatao ng nasabing "surfer".
Lumutang ang pangalan ni Jonathan sa internet kinabukasan matapos natagpuang patay si Blanca noong Nobyembre 7 sa likuran ng kotse nito sa ika-anim na palapag ng Atlanta Centre Building sa San Juan.
Isinaad nito sa internet na may motibo si Strunk para umano patayin ang asawa dahil gumon umano ito sa sugal at madalas umanong pag-awayan ang paggiit nito sa aktres na ibenta ang kanilang bahay sa White Plains ng halagang P25 hanggang P30M para pambayad sa pinagkakautangan nito. (Ulat ni Jhay Mejias)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Gemma Garcia | 3 hours ago
By Doris Franche-Borja | 3 hours ago
By Ludy Bermudo | 3 hours ago
Recommended