^

Bansa

Erap nakatakdang operahan sa katarata

-
Ooperahan na sa mata si dating Pangulong Joseph Estrada sa loob ng susunod na dalawang linggo sa Makati Medical Center.

Ayon sa dating Pangulo, unang ooperahan ang kanyang kaliwang mata at saka na isusunod ang kanang mata na kapwa naapektuhan ng katarata.

Sa isang panayam kay Estrada sa Veterans Memorial Hospital sa Quezon City na ang magsasagawa ng operasyon ay si Dr.Philip Tolentino na dati nang tumitingin sa kanyang karamdaman sa mata.

Madali naman umano ang operasyon at sa sandaling mapalitan ang lente ng mata nito ay agad siyang makakabalik sa Veterans Memorial Hospital para doon magpagaling.

"Saka na isusunod ang kanang mata matapos ang kaliwa at hindi na ako kailangang magsuot ng salamin pagtapos ng operasyon" wika ni Estrada.

Kasabay nito,muling hiniling ni Estrada kay Pangulong Arroyo na bigyan ng kunsiderasyon ang kanyang kahilingan na maipaopera sa Amerika ang dalawa niyang tuhod na nangangailangan ng bakal para siya makatayo. (Ulat ni Lilia Tolentino)

AMERIKA

AYON

KASABAY

LILIA TOLENTINO

MADALI

MAKATI MEDICAL CENTER

PANGULONG ARROYO

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

QUEZON CITY

VETERANS MEMORIAL HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with