Italian priest pinatay!
November 19, 2001 | 12:00am
ZAMBOANGA CITY -Pinaniniwalaang bangkay nang dinukot na Italian priest na si Fr. Giuseppe Pierantoni,44,ng Sacred Heart of Jesus ang natagpuan ng mga militar na nakalutang sa ilog ng bayan ng Dinas, ayon sa opisyal ng militar dito.
Inamin ni Armed Forces Southern Command chief Lt. Gen. Roy Cimatu na nagkamali sila sa una nilang ipinalabas na ulat na si Fr. Pierantoni ay nasagip matapos ang isang engkuwentro.
Ayon kay Cimatu,ang bangkay na kahawig ng Italyanong pari ay nabubulok na nang ito ay matagpuan ng mga militar at mga residente sa nasabing ilog, kaya naman patuloy ang proseso ng lokal na pamahalaan para makilala ng husto ang nasabing bangkay kung ito ay si Fr. Pierantoni.
Lumabas ang unang report na nasagip ang pari nang mag-ulat ang mga sundalo kay Brig. Gen. Angel Atutubo kahapon matapos na ma-engkuwentro ang mga abductors ng pari sa isang barrio sa bayan ng Dinas.
Subalit hindi nagbigay ng anumang detalye ang mga sundalo kay Brig. Gen. Atutubo kung paano nasagip ang pari at ilan ang napatay na kidnappers.
Si Brig. Gen. Atutubo,deputy commander ng 1st Division ng Western Mindanao at hepe ng Task Force Giuseppe ay mabilis na nagtungo sa Dinas para alamin kung may katotohanan ang ulat na nasagip ang pari.
Ang bayan ng Dinas ay kalapit lang na bayan ng Dimataling kung saan kinidnap ang pari noong Oktubre 17 sa loob ng simbahan ng walong kalalakihan na umano ay miyembro ng Pentagon, isang break away group ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Ang mga kidnappers sa pangunguna ni Faizal Maruhumsar at Nurham Amin Ramsi ay humihingi ng P 10 milyong pisong ransom para sa kalayaan ng Italian priest.
Magugunita na nagsagawa agad ng rescue operation ang militar matapos dukutin ang pari at unang dinala sa bayan ng Kapatagan sa Lanao del Sur na kung saan ay napatay si Akiddin Abdusalam alias Commander Kiddie na siyang lider ng mga kidnappers. (Ulat ni Roel Pareño)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended